^

Metro

6 Most Wanted huli sa manhunt operations ng QCPD

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Anim na Most Wanted Persons (MWPs) ang naaresto ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkakahiwalay na manhunt operations sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.

Kabilang sa mga nadakip ang No. 10 Most Wanted Person ng Novaliches Police Station (PS 4), na nahaharap sa kasong lascivious conduct.

Tatlo naman sa mga naaresto ay mula sa Batasan Police Station (PS 6) kabilang ang isang wanted person na may kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, isa na may kasong paglabag sa Bouncing Checks Law at isa pang nahaharap sa mga kasong paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, acts of lasciviousness at Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Naaresto naman ng Paya­tas Bagong Silangan Police Station (PS 13) ang No. 10 Most Wanted Person nito na may nakabinbing kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. Lumabas din sa beripikasyon ng pulisya na ilang beses na itong nasangkot sa kaparehong kaso noong mga nakaraang taon.

Samantala, isinilbi ng Project 6 Police Station (PS 15) ang warrant of arrest laban sa  No. 10 Most Wanted Person nito na nahaharap sa kasong frustrated homicide. May kaso rin itong acts of lasciviousness at trespass to dwelling.

Pinuri ni QCPD Director PBGen Randy Glenn Silvio ang mga pulis na nagsagawa ng operasyon dahil sa kanilang dedikasyon at pagsisikap na maaresto ang mga pinaghahanap ng batas.

QCPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with