^

Probinsiya

Cayetano ideklarang persona non grata - solon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Cayetano ideklarang persona non grata - solon
Senate President Alan Peter Cayetano holds a press briefing at the Senate on Wednesday, claiming he did not know on Sunday night, May 10, whether Sen. Bato dela Rosa would come to the Senate.
The STAR / Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Umaabuso na umano sa kapangyarihan si da­ting Senate President Alan Peter Cayetano sa paglalagay sa Senado sa kahihiyan kaya dapat na itong ideklarang persona non grata.

Sinabi ni Negros Occidental 1st District Rep. Julio Ledesma IV na isang malaking kahihiyan sa Senado at ma­ging sa buong mundo ang mga kabulastugan ni Cayetano.

Hinikayat ni Ledesma ang mga lider ng mga Local Government Units (LGUs) sa kanilang lalawigan na pangunahan ang pagdedeklarang ‘persona non grata‘ kay Cayetano.

“He is a big disgrace to the Senate, his acts ini­mical and deleterious to the common good,” saad ni Ledesma matapos mapanood ang umano’y ‘political theatrics’ ng Cayetano bloc.

Ang tinutukoy ni Ledesma ay ang isinagawang pagdinig ng kampo ni Cayetano at 18 ex-Marines na umano’y mga pekeng testigo sa flood control scam.

Tinukoy ng Kongresista na noong si Cayetano pa ang Speaker ng Kamara ay nagkapit-tuko rin ito na ayaw iturn-over ang liderato kay dating Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at ayaw sumunod sa term sharing deal.

Sa nasabing insidente ay ipinadlock ng grupo ni Cayetano ang session hall at itinago ang gavel upang hindi makapasok si Velasco kung saan sa Celebrity Sports Plaza sa Quezon City na lamang ito nanumpa.

ALAN PETER CAYETANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with