Jinggoy, 3 iba pa nasa Quezon City Jail na
MANILA, Philippines — Kalaboso na sa Quezon City Jail–Male Dormitory si Senador Jinggoy Estrada kasama ang tatlo niyang kapwa akusado, alinsunod sa kautusan ng Sandiganbayan Fifth Division.
Ang tatlong kasama ni Jinggoy sa nasabing selda ay sina Denryl Caeser Cortuna, Manny Bumagat Bulusan, at Arturo Lombres Gonzales Jr. Habang si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan ay nasa PNP General Hospital pa makaraang atakihin ng high blood.
Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), sumailalim na ang apat sa mandatory medical screening at isinama sa pangkalahatang populasyon ng mga persons deprived of liberty (PDL).
Iginiit ng tanggapan na walang espesyal o VIP treatment na ipagkakaloob sa apat na detainee na ang ibig sabihin ay pare-pareho silang sasailalim sa umiiral na mga patakaran sa seguridad at kustodiya sa loob ng piitan.
Magugunita na nitong Hunyo 1 ay una nang inanunsyo ni Sen. Estrada na siya ay susuko sa mga otoridad matapos maglabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan sa kasong plunder na isang non-bailable.
- Latest




















