Rep. Barzaga, pinatalsik na sa Kamara

MANILA, Philippines — Pinatalsik na sa roster na Kamara nitong Martes ng gabi si Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga, self-proclaimed Congmeow dahilan sa malisyoso at mapanirang ipinoposte nito sa social media laban sa institusyon ng gobyerno at maging sa mga kilalang personalidad kabilang na ang mga kapwa nito mambabatas.
Sa botong 265 pabor,14 tumutol at 8 ang abstain sa plenaryo ay ganap na napatalsik bilang miyembro ng Kamara si Barzaga dahilan sa umano’y ‘disorderly behavior nito, misconduct na hindi akma bilang mambabatas.
Ang pagpapatalsik kay Barzaga ay kasunod naman ng Committee Report No. 298 na inintrodyus ni House Committee on Ethics Chairman Rep. Jonathan Clement Abalos kaugnay ng disorderly behavior at conduct unbecoming a member of the House of Representatives sa panibagong ethics complaint na inihain naman ni Iloilo 1st District Rep. Janette Garin.
Ito ang ikatlong pagkakataon na pinatawan ng kaparusahan ng Kamara si Barzaga matapos una na itong masuspinde ng 60 araw mula Disyembre 1, 2025 sa kasong disorderly behavior at misconduct.
Nakabalik si Barzaga noong Enero 30, 2026 pero muling nasuspinde ng karagdagang 60 araw noong Pebrero 4, 2026 dahilan patuloy ang pagpoposte ni Barzaga ng mga malisyoso at mapanirang mga pahayag na iginiit pang nakakasira na ito sa imahe ng Kamara.
Sa plenaryo ng Kamara sa kaniyang interpelasyon ay kinuwestiyon at ipinagtanggol pa ni Caloocan City 2nd District Rep. Edgar Erice si Barzaga na sinabing walang ‘conflict of interest’, hindi congtractor, hindi nangurakot at dumadalo ito sa sesyon ng Kamara.
- Latest



















