^

Metro

Pananakot, pang-aapi o pambu-bully wakasan - Mutya ng Pasig

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pakikiisa ang Mutya ng Pasig Movement sa mga biktima ng bullying at kanilang mga pamilya, kasabay ng panawagang palakasin ang mga hakbang laban sa pananakot, pang-aapi, at pambu-bully.

Ayon sa grupo, kinikilala nila ang batas at dapat igalang at sundin. “The law may be harsh, but it is the law.” anang grupo.

Gayunpaman, naniniwala ang grupo sa pagpapatupad ng batas at sa pagbibigay ng desisyon, mahalagang isaalang-alang hindi lamang ang legal na aspeto kundi maging ang makataong kalagayan ng mga biktima.

Dahil dito, nanawagan ang grupo na magsagawa ng masusing pagrepaso at tiyaking ang bawat hakbang at desisyon ay hindi lamang naaayon sa batas kundi nagbibigay rin ng hustisya, malasakit, at proteksyon sa kapakanan ng mga biktima.

Umaasa ang MPM ng suporta sa mga kinauukulang ahensiya, mga lider ng edukasyon, at ng buong komunidad upang mapalakas ang mga programa laban sa bullying at matiyak na ang bawat batang Pilipino ay may ligtas at maayos na kapaligiran para matuto at lumaki nang may dignidad at paggalang.

BULLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with