PHLPost notification palalakasin

Iwas delay sa padala
MANILA, Philippines — Pinalakas ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang kanilang customer notification at communication efforts upang maunawaan ng publiko ang standard process at maiwasan ang sobrang delay ng mga padala galing abroad.
Ang mga customer na may parcels na nangangailangan ng additional documents o verification ay maaaring makatanggap ng Letter Notice (LN), text message, o e-mail na naglalaman ng instructions kung ano ang kailangang gawin para maproseso at ma-release ang kanilang parcel.
Pinapayuhan din ng PHLPost ang mga customer na agad makipag-coordinate sa kanilang local post office o concerned office kapag nakatanggap ng notification upang maiwasan ang dagdag na delay.
Ayon sa PHLPost, layunin nitong mas maintindihan ng publiko kung ano ang nangyayari sa likod ng proseso ng international deliveries, lalo na para sa mga naghihintay ng importanteng padala, online orders, o packages mula sa kanilang mga mahal sa buhay abroad.
Ipinaalala rin ng PHLPost na ang international deliveries ay dumadaan sa ilang stages bago makarating sa recipienst, kabilang ang arrival processing, inspection, verification kapag kailangan, clearance, at turnover sa local delivery network.
Nilinaw ng BOC na bago makarating sa post office o delivery network ang isang international parcel, dadaan ito sa inspection at verification process ng Bureau of Customs (BOC) para sa duties o taxes, additional documents, o further verification.
- Latest

















