^

Metro

DOTr: MRT-7 may 14 na istasyon

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ng Department of Transportation (DOTr) na magkakaroon pa rin ng 14 na istasyon ang Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7).

Ang paglilinaw ay ginawa ng DOTr kaugnay ng mga kumakalat na ulat na magiging 13 na lamang ang istasyon ng MRT-7.

Dagdag pa ng ahensiya, ang San Jose del Monte (SJDM) Station ay nananatiling bahagi ng MRT-7 project at hindi pa rin inaalis mula sa inaprubahang  alignment.

Idinagdag pa nito na ang inisyal na 12 istasyon ng MRT-3 mula sa Sacred Heart hanggang sa North Avenue ay target nilang masimulang mag-ope­rate sa ikalawang bahagi ng 2027, alinsunod na rin sa direktiba ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na madaliin ang konstraksiyon ng infrastructure projects para sa mga commuters.

Samantala, ang da­lawa pang MRT-7 stations, kabilang ang Tala at SJDM stations, na ina­asahang matatapos at mabubuksan naman sa 2028.

DOTR

MRT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with