Rollback sa diesel P7.50/L, gasoline P4.50/L
Sa unang linggo ng Hunyo…
MANILA, Philippines — Posibleng bumaba muli ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa sa unang linggo ng Hunyo kung saan P6.50 hanggang P7.50 kada litro ang rollback sa diesel habang P3.50 hanggang P4.50 kada litro naman sa gasoline.
Batay sa Mean of Platts Singapore (MOPS) at foreign exchange averages sa nakalipas na apat na araw, sinabi ng isang oil industry source na inaasahan nilang magkakaroon ng price rollback sa petrolyo sa susunod na linggo.
“Crude and refined fuel products prices are pressured by improving sentiments that the US and Iran are moving closer towards a peace deal, even though both parties still remained at odds over key issues, and growing optimism on the prospect that the Strait of Hormuz will be reopened soon,” anang source.
Ang pinal na adjustment sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa ay karaniwan nang iniaanunsiyo tuwing araw ng Lunes at ipinaiiral naman kinabukasan, araw ng Martes.
- Latest




















