^

Metro

P841 milyong counterfeit goods, nakumpiska ng BOC sa bodega sa Valenzuela

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
P841 milyong counterfeit goods, nakumpiska ng BOC sa bodega sa Valenzuela
Nabatid na nag-ugat ang operasyon sa derogatory information na natanggap ng BOC hinggil sa umano’y pag-iimbak ng illicit goods sa isang warehouse sa Valenzuela.
Bureau of Customs PH / Facebook page

MANILA, Philippines — Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang aabot sa P841 milyong halaga ng hinihinalang counterfeit goods sa Valenzuela City.

Nabatid na nag-ugat ang operasyon sa derogatory information na natanggap ng BOC hinggil sa umano’y pag-iimbak ng illicit goods sa isang warehouse sa Valenzuela.

Armado ng Letter of Authority, nagtungo ang joint operative sa subject warehouse noong Abril 10, 2026, na nagresulta sa pagkakadiskubre ng mga suspected infringing goods.

Base sa official inventory, kabuuang 1,460 kahon ng mga pabango at 364 kahon ng lotions na may tatak ng iba’t ibang international brands, gaya ng Jo Malone, Versace, at Cetaphil, ang natagpuan sa lugar.

Kaagad ring sinelyuhan ang bodega at binantayan ng mga customs personnel sa tulong ng Philippine Coast Guard (PCG), para sa karagdagan pang imbestigasyon. Nag-isyu ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) noong Abril 28, 2026.

BOC

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with