^

Metro

Senior QCitizens may naghihintay na trabaho ‘

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Senior QCitizens may naghihintay na trabaho ‘
Undated file photo shows senior citizens.
The STAR / Miguel de Guzman, File

MANILA, Philippines — Kahit matatanda na at kaya pa ay maaari pa ring magkaroon ng pagkakaabalahang trabaho ang mga senior citizen ng Quezon City.

Ito ay makaraang lumagda sa isang kasunduan ang Quezon City Government, McDonald’s Philippines, QC PESO, at DOLE upang magbigay ng trabaho para sa aabot sa 100 senior QCitizens na ia-assign sa 50 McDonald’s stores.

Ang kasunduan ay ni­lagdaan sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte bilang bahagi ng patuloy na pagbibigay ng oportunidad at kabuhayan para sa mga nakatatanda sa lungsod.

Ang trabaho na naghihintay sa McDonalds branches sa Quezon City para sa mga elderly ay ang pag-asiste sa mga customers na hindi naman mabigat na trabaho.

Ang mga interesado ay maaaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng PESO o i-click lamang sa online ang QCservices para sa dagdag na kaalaman at impormasyon parardito.

PESO

SENIOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with