Sunog sa Delpan, Binondo umakyat sa TF Charlie
MANILA, Philippines — Daan-daang kabahayan ang tinupok ng apoy sa Parola Compound, Gate 46, Delpan, Binondo, Maynila nitong Sabado.
Habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa naapula ang napakalaking sunog na itinaas sa Task Force Charlie alas- 5:19 ng hapon ng Mayo 23.
Nagsimula ang apoy alas-3:00 ng hapon na mabilis na kumalat sa dikit-dikit na kabahayang pawang yari sa light materials.
Pahirapan para sa mga bumbero ang pagpasok sa erya dahil sa makikitid na eskinita na nahaharangan ng mga nagsisilikas na mga tao, mga alagang hayop, at mga iniligtas na kagamitan.
Malakas din ang hangin na nagmumula umano sa katabing dagat.
Tambak din ang mga truck ng Bureau of Fire Protection, volunteers at Philippine Red Cross.
Hindi pa naglalabas ng update ang BFP dahil sa pagiging abala sa pag-apula ng apoy.
- Latest

















