LRT-2 may complimentary parking sa Legarda Station
MANILA, Philippines — Pinalawak pa ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang kanilang complimentary parking para sa mga pasahero ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) kung saan maaari na ring maiparada ng libre ng mga commuter ang kanilang sasakyan sa Legarda Station parking area, sa gagawin nilang paglulunsad ng complimentary parking service sa Lunes, Mayo 25.
Binigyang-diin ni Transportation Secretary Banoy Lopez na ang programa ay higit pa sa pagkakaloob ng libreng parking, dahil idinisenyo rin ito upang pagaanin ang daloy ng trapiko, matulungan ang mga vehicle owners na makatipid ng fuel, at mabawasan ang overall transportation costs at travel time ng daily commuters.
Nabatid na ang free parking ay available araw-araw para sa LRT-2 passengers mula 4:00 AM hanggang 11:30 PM, ng first-come, first-served basis.
Upang makapag-avail ng libreng parking, dapat na kumuha ang pasahero ng parking stub mula sa LRTA security personnel sa parking area at ipa-validate ito sa Passenger Assistance Office (PAO) sa pagdating nila sa kanilang destination station.
Ang validated stub ang siyang ipiprisinta ng pasahero sa security personnel sa kanilang paglabas ng istasyon.
- Latest






















