Bagong NPD chief inilatag ‘6 Strategic Program Thrust’
MANILA, Philippines — Upang matiyak ang pagpapanatili ng peace and order sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela) area, inilatag kahapon ni Northern Police District (NPD) Director PBGen. Benliner Capili ang kanyang ‘6 Strategic Program Thrust’ na alinsunod sa programa ng Philippine National Police (PNP) national headquarters at ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Kabilang dito ang, “Responsive and Dynamic Law Enforcement and Public Saferty Service”, “Community Engagement for Peace and Order Initiatives”, “Moral and Welfare”, “Human Resource Capacity-Building”, “Integrity Monitoring and Enhancement”, at “Smart Policing”.
Sa ginanap na “Meet and Greet” sa mga miyembro ng CAMANAVA Press Corps, sinabi ni Capili na layon niyang unti-unting maibaba ang crime rate sa kanyang nasasakupan.
Ayon kay Capili, kailangan na paigtingin ang koordinasyon sa mga local government units gayundin sa mga barangay officials upang maayos na maipatupad ang mga programa ng PNP.
Aminado si Capili na hindi kakayanin ng kapulisan ang pagsasaayos sa mga lansangan at pagdidisiplina sa residente ng CAMANAVA area kung walang tulong ng ibang sector.
Habang “Bagong PNP, Bagong Pilipinas”- Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman kay PNP chief PGen. Jose Melencio Nartatez, Jr. at “Able Active Allied” kay NCRPO Director PMGen. Anthony Aberin, hindi naman nagpahuli sa kanyang mantra sa NPD si Capili na “Serbisyong Tama”- Tapat may Malasakit, Respeto, at Propesyonalismo.
Nagbigay rin ng direktiba si Capili sa kanyang mga Chief of Police na bigyan priyoridad ang pagseserbisyo at pagtugon sa mga pangangailangan ng mga residente sa CAMANAVA area.
- Latest





















