^

Metro

Korte aprub na cyber warrant vs gadgets ni Mabanta

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tahasan sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na aprubado na ng korte ang hiling nila na mabuksan ang mga gadgets­ ni Peanut Gallery Media Network founder/CEO Franco Mabanta na magbibigay-daan sa pagtukoy sa naging ugnayan sa mga pulitiko at personalidad. 

Ayon kay Matibag, inaprubahan ng Pasig court ang inihain nilang cyber warrant para legal ang pagsusuri nila sa mga gadget at devices na kinumpiska noong arestuhin si Mabanta at apat na iba pa. 

“Legally, we can obtain information, videos, pictures, text messages, text logs, lahat po. So ‘yung mga nakausap niya, kung sino man mga kinausap niyang perso­nality, we will have access to that, malalaman po namin,” ani Matibag. 

Nais matiyak ng NBI na makakuha ng mga impormasyon sa mga gad­gets na maaaring magpatunay na mayroong “reasonable certainty of conviction” sa isinampang kaso sa mga suspek na dinakip kaugnay sa reklamong P300 milyon robbery extortion na inihain ni dating House Speaker Martin Romualdez.

Nanawagan si Matibag sa iba pang nais mag­harap ng reklamo laban kay Mabanta o sa kabuuan ng PGMN.

CYBER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with