^

Metro

Wanted na carnap suspect, tiklo sa HPG

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Wanted na carnap suspect, tiklo sa HPG

MANILA, Philippines — Naaresto ng Philippine National Police – Highway Patrol Group ang isang lalaking wanted sa kasong carnapping sa isinagawang joint intelligence-driven manhunt operation sa Caloocan City nitong Sabado.

Batay sa imbestigasyon, ang suspek na isang 31-anyos na driver at residente ng Malabon City, ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10883 o “New Anti-Carnapping Act of 2016”.

Inisyu ang warrant noong Mayo 11, 2026 ni Hon. Josephine Z. Fernandez ng Regional Trial Court Branch 76 sa San Mateo kaugnay ng Criminal Case No. 35876-26-SMR. Itinakda naman sa P300,000 ang inirekomendang piyansa ng akusado.

Ayon sa PNP-HPG, naganap ang operasyon bandang alas-6:30 ng gabi sa Brgy. 80, Caloocan City sa pangu­nguna ng PHPT Benguet Tracker Team katuwang ang RHQ Intelligence personnel at mga tauhan ng Caloocan City Police Station.

Kasalukuyang sumasailalim sa documentation at processing ang naarestong suspek sa Caloocan City Police Station bago ito i-turnover sa korte na naglabas ng warrant.

Binigyan-diin ni HPG Director PBGen. Rommel S. Batangan ang kahalagahan ng tuluy-tuloy na intelligence-driven operations laban sa mga sangkot sa carnapping at iba pang krimeng may kaugna­yan sa sasakyan.

HPG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with