500 PDLs inilipat sa Iwahig

MANILA, Philippines — Nailipat na ang isang batch ng 500 Persons Deprived Of Liberty (PDLs) sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Puerto Princesa, Palawan, nitong Sabado, Mayo 16, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor)
Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. na bahagi ito ng decongestion drive para sa mas malawak na reporma sa criminal justice na magpapabuti sa kaligtasan ng publiko at karapatang pantao.
Aniya, matagal nang suliranin ang overcrowding sa New Bilibid Prison (NBP) na itinayo noong 1940 na may kapasidad na 11,000 inmates, subalit mahigit sa doble ang populasyon. Paghahanda rin ito sa planong pagsasara ng NBP.
Ang bagong lokasyon ng Iwahig, ani Catapang, ay parte ng mas malawak na plano para sa mas maayos na lugar para sa rehabilitasyon.
“We envision a correctional system where PDLs can serve their sentences in humane surroundings that promote rehabilitation and eventual reintegration into society,” aniya.
Sa taong ito, target ng BuCor ang paglipat ng kabuuang 7,500 PDLs mula sa NBP patungo sa isang pang BuCor operating prisons and penal farms sa bansa.
- Latest


















