^

Metro

Top 2 most wanted sa Marikina, binitbit

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang 51-anyos na lalaking uma­buso sa 12-anyos na dalagita nang matunton sa lalawigan ng Barangay Aurora West, Diffun, Quirino province ng mga tauhan ng Marikina City Police Station, noong Mayo 14.

Sa manhunt operation, dakong alas-4:30 ng hapon nang arestuhin ang suspek na si alyas “Ermi”, residente ng Brgy. Malanday, Marikina City, na top 2 most wanted person ng Marikina CPS at may warrant of arrest mula sa Presiding Judge ng Family Court Branch 7, Marikina City, sa kasong Qualified Anti-Human Trafficking, Section 4-A, kaugnay ng Section 6(A) ng Republic Act 9208, at Acts of Lasciviousness o Republic Act 7610.

Ang suspek ay sinampahan ng reklamo ng lola ng biktima dahil sa pagdadala sa kanyang apo sa isang river park, kung saan naganap ang pang-aabuso.

Bukod pa rito, sinubukang ipasok sa motel ang biktima ngunit hindi sila pinapasok ng mga staff.

KALABOSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with