Ex-Iloilo Mayor Mabilog itinalagang Usec ng DILG
MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Iloilo City Mayor Jed Mabilog bilang Undersecretary ng Department of Interior and Local Government (DILG) kung saan nanumpa na ito kay Executive Secretary Ralph Recto at DILG Secretary Jonvic Remulla kasama si Iloilo City Rep. Julienne “Jam-Jam” Baronda.
Pamamahalaan ni Mabilog ang ilang ahensiya sa ilalim ng DILG tulad ng Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at nakatutok sa public safe, disaster preparedness, disaster response, and community empowerment.
Matatandaan na ang dating alkalde ay nakasama sa Narco-Politician list ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na mariin naman niyang pinabulaanan. Noong 2017 umalis ito ng bansa para dumalo ng conference sa Japan at hindi na bumalik sa PIlipinas dahil sa pangamba umano sa kanyang buhay at bumalik lang sa bansa noong 2024 sa ilalim ng bagong administrasyon para linisin ang kanyang pangalan.
Sinibak din ng Office of the Ombudsman si Mabiligo noong 2017 matapos mapatunayang guilty ng serious dishonesty dahil sa hindi umano maipaliwanag na yaman, kabasay nito ang perpetual disqualification sa dating alkalde sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno.
- Latest





















