NCRPO: Pulis na nanulak ng rider, arestado
MANILA, Philippines — Nadakip na ng mga awtoridad ang isang pulis na nanulak ng rider na bumagsak sa C5 road sa Pasig City.
Nasa kustodiya na ng Quezon City Police District ang isang Police Staff Sergeant ng QCPD District Mobile Force Battalion kung saan nahaharap sa mga kasong kriminal at administratibo matapos arestuhin sa hot pursuit operations ng kanyang mga kabaro.
Batay sa mismong kuha ng biktima, kita ang pagtulak sa kanya ng pulis hanggang sa bumagsak sa kalsada habang tinakbuhan ito ng pulis. Sugatan ang biktima habang nawasak din ang motorsiklo nito.
Sinabi naman ni NCRPO Chief PMaj General Anthony Aberin, kahit pulis ay dapat na papanagutin kung may sala.
“Badge is no Refuge. Whether the suspect is a civilian or a member of our own organization, the law applies equally. Misconduct will not be tolerated; it will be confronted.” ani Aberin.
- Latest
















