^

Metro

Mga suspek sakay ng kotse: Bebot niratrat

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Mga suspek sakay ng kotse: Bebot niratrat
Dead-on-the-spot ang biktimang si Nicky Reyes, 22 ng Brgy. 128 Tondo, Maynila.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang babae ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga kalalakihang suspek na nakasakay sa kotse kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Nicky Reyes, 22 ng Brgy. 128 Tondo, Maynila.

Lumilitaw sa imbestigasyon na nangyari ang  insidente bandang alas-11:45 ng gabi R-10, Sitio Sto. Puting Bato, Brgy. NBBS Proper, Navotas City.

Nakita ng mga saksi na tumatakbo ang biktima habang hinabahol ng mg suspek na sakay ng kulay itim na kotse.

Nang makitang bumulagta ang biktima, mabilis na tumakas ang mga suspek.

Sa pagsisiyasat ng  NPDFU sa pangunguna ni PMaj. Jerry Damaso nakarekober ng pitong basyo ng bala sa crime scene.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo at mga suspek.

BEBOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with