3 ‘Ativan Gang’ member, tiklo

MANILA, Philippines — Nalambat na ng pulisya ang tatlong miyembro ng “Ativan Gang” na nag-o-operate sa Metro Manila, matapos huling mabiktima ng isang dayuhan na matapos i-droga ay pinagnakawan, sa Maynila.
Sa ulat ng Manila Police District-Station 11, nadakip sa Maynila at Makati City sina alyas “Casey”, alyas “Jonathan” at alyas “Merlinda”, sa pinaigting na kampanya ng National Capital Region Police Office (NCRPO) laban sa organisadong criminal groups.
Sangkot umano ang grupo sa serye ng pagnanakaw sa modus na gagamitan nila Ativan drugs—Lorazepam, Benzodiazepine, na magreresulta sa pagkahilo, panghihina at nawawalan ng malay ang biktima, tulad ng nangyari sa isang Hui Fang Li, isang Singaporean national na natangayan nila ng SGD 4,000 noong Abril 11, 2026.
Iniimbestigahan din ang mga suspek sa kinasasangkutan na hindi awtorisadong transaksyon sa bangko at pagnanakaw na tumat-arget sa mga Pilipino at dayuhan.
- Latest

















