Ebidensya vs Mabanta matibay
MANILA, Philippines — Matibay ang hawak na mga ebidensya ng kampo ni dating Speaker at Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin Romualdez sa kasong tangkang pangingikil ng P300 M laban sa social media personality na si Peanut Gallery Media Network (PGMN) Founder Franco Mabanta.
Ito naman ang sinabi ni Atty. Elaine Atienza, legal counsel at spokesperson ni Romualdez bunsod ng umano’y mga palusot ni Mabanta at pagbaliktad nito sa kanyang naratibo ay hindi nito kayang gibain ang katotohanan na nasangkot ito sa extortion.
“ PGMN is twisting the narrative “, saad ni Atienza.
Una nang sinabi ni Mabanta na ‘set up’ ang P300 milyong extortion sa operasyon ng NBI sa Valle Verde Country Club sa Pasig City.
“Ang isyu dito ay hindi tungkol sa malayang pamamahayag. Lalong hindi ito tungkol sa karapatan ng sinuman na punahin ang gobyerno. Ang tunay na tanong: may humingi ba ng pera kapalit ng katahimikan?”, ani Atienza.
Si Romualdez ay dumulog sa NBI matapos namang pagbantaan ni Mabanta na ilalantad sa PGMN ang umano’y pagkakasangkot nito sa maanomalyang flood control projects kapag hindi ito nagbigay ng P350-M kapalit ng kaniyang pananahimik na naibaba sa P300 milyon na umano’y apat na beses ibibigay sa tig-P75 milyon.
- Latest
















