^

Metro

6 Chinese arestado sa online fraud

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dinakip ng Bureau of Immigration (BI) ang isang puganteng Chinese national at limang iba pang dayuhan sa isinagawang anti-fraud operation sa Pasay noong gabi ng Mayo 6.

Ang 34-anyos na Chinese national na wanted sa illegal na pagtatago ng kita ay naaresto sa Roxas Boulevard Service Road, Brgy.13, ng mga operatiba ng BI-Fugitive Search Unit (FSU) katuwang ang mga awtoridad mula sa China, Philippine National Police - Integrity Monitoring and Enforcement Group, at Philippine Air Force.

Sa operasyon ng BI, naabutan din ng mga ahente ang limang iba pang Chinese nationals sa loob ng establisimyento. Apat sa kanila, na may edad 32 hanggang 39, ang umano’y gumagamit ng mga computer workstation at electronic devices na pinaghihinalaang gina­gamit sa online fraud activities.

Napag-alaman ding isa sa mga ito ay wanted din sa China dahil sa kasong fraud, habang tatlo pa ang natuklasang overstaying na sa bansa.

Isa pang 47-anyos na dayuhan ang inaresto matapos mabigong magpakita ng balidong pasaporte at immigration documents sa isinagawang inspeksyon.

Nahaharap ngayon sa mga kasong paglabag sa immigration laws ang mga naarestong dayuhan at pansamantalang nakadetine sa pasilidad ng BI sa Taguig.

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, magpapatuloy ang pinaigting na kampanya ng kawanihan laban sa mga dayuhang pugante at mga sindikatong sangkot sa ilegal na aktibidad sa bansa.

FRAUD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with