^

Metro

Chavit dismayado sa Senado

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pagkadismaya sa Senado si dating  Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson matapos na hindi siya payagan na makapagsumite ng kanyang affidavit para sa kanyang nala­laman sa umano’y ghost project sa ilang lugar sa bansa.

Sa ginanap na press conference, sinabi ni  Singson na  inabisuhan siya ni Senate President Panfilo Lacson noong Marso 25 na magsumite ng kanyang affidavit at document sa Abril 7.

Sinabi ni Singson na alas-9 ng umaga ng Abril 7 nang magtungo siya sa Yatch Club habang­ hinihintay ang orasa ng kanyang pagtungo sa Senado.

Laking gulat na lamang niya nang abisuhan siya na kanselado ang kanyang appointment.

Bunsod nito, nanawagan si Singson sa publiko na magkaisa at puwersahin ang pamahalaan­ na kasuhan ang mga sangkot sa flood control kung talagang sinsero ang pamahalaan na wakasan ang korapsiyon.

Binigyan diin din ni Singson na tikom na rin ang bibig, ng Senado, Kongreso, Independent Com­mission for Infrastructure (ICI) at Ombudsman sa imbestigasyon  sa flood control.

CHAVIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with