^

Metro

Obrero tinodas ng boardmate

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Obrero tinodas ng boardmate
Kinilala ang biktima na si alyas “Bryan”, 38, may asawa, nangungupahan sa isang boarding house sa Don Pepe St., Brgy. Sto. Domingo, Quezon City habang nakatakas ang suspek na si alyas “Ronel”, isa ring construction worker, tubong Samar.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Masangsang na amoy ang naging susi sa pagkakadiskubre sa bangkay ng 38-anyos na construction worker ng matagpuan ng kanyang mga kasama sa boarding house sa Quezon City, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktima na si alyas “Bryan”, 38, may asawa, nangungupahan sa isang boarding house sa Don Pepe St., Brgy. Sto. Domingo, Quezon City habang  nakatakas  ang suspek na si alyas “Ronel”, isa ring construction worker, tubong Samar.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), alas-9 ng gabi nitong Sabado (May 2) nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng kanilang boarding house sa nasabing barangay.

Batay sa imbestigasyon ni PSSg Jordan A Barbado, kauuwi lang ng mga kasamahan ng biktima mula sa trabaho nang madiskubre nila ang biktima na duguang nakahandusay sa sahig at wala ng buhay. Nakita sa tabi ng biktima ang kahoy na may bahid ng dugo kaya agad na iniulat ang insidente sa mga opisyal ng Brgy. Sto. Domingo, at sa pulisya.

Dumating ang SOCO Team mula sa QCPD Forensic Unit sa pangunguna ni PCMS Federico Manzano at sa pagsusuri nagtamo ng mga malalalim na sugat sa ulo ang biktima na sanhi ng pagkamatay nito.

Nabatid ng mga awtoridad sa isa sa mga kapitbahay ng biktima, na nakita niya ang suspek na kumuha ng kahoy sa labas ng boarding house.

Nakita rin sa CCTV ang paglabas ng suspek sa boarding house habang tila nagpupunas ng dugo sa kanyang mga kamay.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen habang tinutugis pa ang salarin na umanoy isang linggo nang hindi nagpapakita sa tinutuluyan nilang boarding house.

BRYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with