Illegal recruiter habambuhay kulong, multa P5 milyong - SC
MANILA, Philippines — Pinagtibay ng Korte Suprema ang habambuhay na sentensiya at P5 milyong multa para sa illegal recruitment at simple illegal recruitment na may hatol na 12-20 taon at P1 milyong multa sa isang babaeng nambiktima ng mga aplikante nais magtrabaho sa abroad noong 2015 at 2016.
Sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Raul B. Villanueva, si Elizabeth Espiritu Mendoza ay pinapatawan ng mga nabanggit na hatol.
Ito’y matapos umakyat sa SC ang kaso kasunod ng pagbasura ng Court of Appeals sa apela ni Mendoza noong Oktubre 2023.
Sinampahan ng kasong large scale illegal recruitment si Mendoza, at mga kapwa akusadong sina Gemma Jamito Garcia, Jocelyn Madera, Emelda Baito, Nicanor Avila, at Marilyn Bucong Canda.
Naaresto sina Mendoza, Baito, at Madera habang sina Avila at Canda ay at-large.
Inabsuwelto ng Valenzuela court sina Baito at Madera sa kakulangan ng ebidensya, at nadiin naman si Mendoza nang tumestigo ang 12 sa biktima na sila ay ni-recruit mismo ni Mendoza para sa pangakong trabaho sa Japan at pinagbayad ng P15,000-P45,000 ngunit hindi natupad.
- Latest
















