^

Metro

13 katao naospital sa ammonia leak

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 13 residente ang dinala sa ospital habang 90 naman ang inilikas sa evacuation center matapos ang ammonia leak sa isang planta ng yelo sa Brgy. 168, Deparo, Caloocan City kahapon ng umaga.

Sa record ng Caloocan Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), kabilang dito ang pitong lalaki, dalawang babae at isang senior citizen na babae. Dinala ang mga ito sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital.

Mabilis naman rumesponde ang Bureau of Fire Protection (BFP) at ginawa ang lahat ng containment measures, kabilang na ang pagsasara ng mga valve, pag-shutdown ng main electrical breaker, at paghahanda ng ventilation equipment upang matigil ang pagkalat ng fumes.

Nabatid na bandang alas-4 ng madaling araw nang makalanghap ng masangsang na amoy ang mga residente.

Bahagyang nagdulot ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Deparo ang insidente. Bandang alas-10 ng umaga nang magluwag ang trapiko sa lugar.

CALOOCAN CITY

EVACUATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with