^

Metro

P6.9 milyong kush at ecstasy nasabat sa Central Mail Hub

Ludy Bermudo, Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
P6.9 milyong kush at ecstasy nasabat sa Central Mail Hub
Sa ulat, natuklasan ng PNP-Aviation Security Group, kasama ang Ninoy Aquino International Airport – Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) na apat na abandonadong parcel ang naglalaman ng 325 tabletang kulay pink na pinaniniwalaang ecstasy at 4.2 kilo ng pinatuyong marijuana kush.
The STAR / Miguel de Guzman, File

MANILA, Philippines — Tinatayang P6.9-milyong halaga ng iligal na droga ang laman ng inabandonang mga parcel na idineklarang mga pagkain at mga laruan, ang naharang sa Central Mail hub sa Pasay City, noong Huwebes, Abril 23, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa ulat, natuklasan ng PNP-Aviation Security Group, kasama ang Ninoy Aquino International Airport – Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) na apat na abandonadong parcel ang naglalaman ng 325 tabletang kulay pink na pinaniniwalaang ecstasy at 4.2 kilo ng pinatuyong marijuana kush.Ito ay tinatayang halaga na P6,346,500, at 325 kulay rosas na tableta na pinaghihinalaang ecstasy (MDMA), na nagkakaha­laga ng humigit-kumulang P487,500.

Ang mga kontrabando ay itinago sa mga pakete na idineklarang mga panindang pagkain tulad ng “Mama Cake Durian,” “Dog Food,” at “Science Dino-Bot.” Ang mga kargamento ay nagmula sa Thailand, Estados Unidos, Netherlands, at ipinadala sa mga tatanggap sa Luzon at Mindanao.
Hindi pa kinukuha ng mga consignees ang mga parcel na iniimbestigahan pa para matukoy ang pagkakakilanlan at masampahan ng kaukulang  mga kaso.

Dumaan ang mga parcel sa routine x-ray screening ng Bureau of Customs personnel, sa K-9 inspection, at sa manu-manong beripikasyon na nagkumpirma sa presensiya ng kontrabando.

Ang lahat nang nakumpiskang gamit ay dinala sa PDEA Laboratory Service para sa kumpirmasyon at wastong disposisyon. Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Section 4, Article II ng Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

KUSH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with