DPWH lilinisin creeks sa Valenzuela
MANILA, Philippines — Ang mga stagnant creeks sa Valenzuela City ang target ngayon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na masolusyunan upang hindi magdulot ng mga pagbaha sa panahon ng tag-ulan.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, sinimulan na nila ang malawakang dredging operations mula creek sa PNR, Longos, hanggang Kalibingkoho Creek kamakalawa.
Inumpisahan aniya ng DPWH-Metro Manila 3rd District Engineering Office, katuwang ang Valenzuela City Local Government Unit, Bulacan 2nd District Engineering Office, at National Food Authority, ang cleaning, clearing, at dredging operations sa Longos Creek, kasabay ng isinasagawang konstraksyon ng mga pumping stations sa lungsod.
Ang mga nasabing creeks ay nagsisilbing outfall para sa mga barangay at national roads, kabilang ang MacArthur Highway. Ngunit dahil sa mga basura at debris, nababawasan ang kapasidad ng mga creek at lumalaki ang panganib ng pagbaha.
Ani Dizon, layunin ng proyektong ito, sa ilalim ng Oplan Kontra Baha, na maibalik ang maayos na daloy ng tubig at mabawasan ang baha sa lugar, para sa kaligtasan ng mga residente sa Meycauayan at Valenzuela.
Tiniyak naman ng kalihim na patuloy ang DPWH sa pakikipagtulungan sa iba pang ahensiya ng pamahalaan upang palakasin ang kahandaan ng mga komunidad laban sa baha, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. para sa kaligtasan ng bawat Pilipino.
- Latest





















