^

Metro

4 arestado sa mga baril at Granada

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
4 arestado sa mga baril at Granada
Sa ulat kay SPD Acting Director PCol. Glenn Oliver Cinco ni Taguig City Police commander PCol. Julius Anonuevo, inaresto ang isang 30-anyos na si alyas “Fernando”, construction worker, ng Brgy. Pinagsama, na inireklamo sa pagyayabang ng baril sa isang inuman na naga­nap sa Firefly St., Taguig.
STAR / File

MANILA, Philippines — Inaresto ang apat na indibidwal sa iligal na pag-iingat ng mga baril at granada sa pinaigting na operasyon ng Southern Police District (SPD) sa Taguig at Muntinlupa City, nitong Sabao, Abril 18.

Sa ulat kay SPD Acting Director PCol. Glenn Oliver Cinco ni Taguig City Police commander PCol. Julius Anonuevo, inaresto ang isang 30-anyos na si alyas “Fernando”, construction worker, ng Brgy. Pinagsama, na inireklamo sa pagyayabang ng baril sa isang inuman na naga­nap sa Firefly St., Taguig.

Nasamsam kay Fernando ang isang kalibre .38 revolver na walang kaukulang permit at lisensya.

Kasunod nito, isang rider na si alyas “Guil­lerno”, 19-anyos, na may dalang hand grenade ng Brgy. North Signal, Taguig; at isang alyas “Rainier”, 18-anyos, ng Brgy. Central Signal, Taguig dahil sa bitbit na kalibre .38 na revolver.

Agad tumugon ang Taguig Police sa sumbong ng mga residente kaya naaktuhan ang dalawa na may hawak ng baril at granada.

Sa Muntinlupa City, iniulat naman ni PCol. Robert Domingo, hepe ng Muntinlupa City Police Station, sinalakay ang Brgy. Poblacion at Brgy. Tunasan.

Ipinatupad ang search warrants at nag­resulta sa pagkaka-aresto kay alyas “Arnold,” 30, na nakum­piskahan ng isang kalibre .38 revolver at mga bala sa Brgy. Poblacion habang sa Brgy. Tunasan, dinakip naman si alyas “Mic”, 59, walang trabaho, matapos masamsam ang isang kalibre .38 baril.

Isinailalim sa ballistic examination at cross-matching, habang nagsasagawa ng beripikas­yon ang pulisya upang matukoy kung rehistrado o loose firearms, at kung nagamit sa krimen.

Binigyang-diin ni Cinco na ang operasyon ay malaking hakbang para mapangalagaan ang seguridad ng mga komunidad.

BARIL

GRANADA

SPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with