LTOP itinutulak bagong ruta ng E-vehicles

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) na kanilang isusulong ang pagpapatupad ng interconnectivity route system sa ilalim ng Public Transport Modernization Program sa Metro Manila.
Ayon kay LTOP President Orlando Marquez, nakapagsumite na sila sa mga kinauukulang ahensiya ng mga panukalang ruta para sa implementasyon.
Nais din ng organisasyon na gamitin sa mga bagong rutang ito ang mga electric vehicle (EVs).
Layunin nitong pag-ugnayin ang mga ruta ng pampasaherong sasakyan sa mga pangunahing linya ng tren tulad ng MRT at LRT upang mapabuti ang daloy ng biyahe at mabawasan ang trapiko.
Kaugnay nito, isinusulong na rin ang pagtatayo ng planta para sa lokal na paggawa ng electric vehicles sa bansa.
Kabilang sa planong produksyon ang iba’t ibang uri ng sasakyan gaya ng motorsiklo, tricycle, delivery van, truck, bus, at jeepney.
Binigyang-diin pa ni Marquez na bahagi ito ng paglipat sa mas moderno at environment-friendly na sistema ng transportasyon.
- Latest















