^

Metro

Paghuli sa mga ‘topless’ sa NCR tigil muna

.Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Paghuli sa mga ‘topless’ sa NCR tigil muna
Mismong si MPD Spokesperson PMaj Philipp Ines ang nagkumpirma ng direktiba, na inisyu kasunod na rin ng sentimyento ng ilan na ang naturang ‘half-naked ordinance’ ay may ‘anti-poor’ impact.
STAR / Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Pansamantala munang ititigil ng Manila Police District (MPD)  at Quezon City Police District (QCPD) ang istriktong pagpapatupad ng city ordinance partikular ang hindi nagsusuot ng damit pang-itaas sa mga pampublikong lugar.

Mismong si MPD Spokesperson PMaj Philipp Ines ang nagkumpirma ng direktiba, na inisyu kasunod na rin ng sentimyento ng ilan na ang naturang ‘half-naked ordinance’ ay may ‘anti-poor’ impact.

Nabatid na sa isang direktiba na epektibo simula nitong Abril 11, 2026, ang lahat ng ope­rating units at personnel na sangkot sa Oplan Galugad at iba pang anti-criminality operations ay pinatitigil muna sa pagpapatupad ng ‘punitive actions’ kaugnay ng naturang ordinansa.

“In light of recent public sentiment and reports regarding the perceived ‘anti-poor impact’ of certain local ordinances, particularly those pena­lizing individuals for not wearing shirts in public places (half-naked), all units are hereby directed to temporarily suspend the strict enforcement of said ordinances,” anang kautusan.

Sa halip, inaatasan silang maglabas na lamang ng mga kaukulang babala at magsagawa ng information drives na nagsusulong ng proper decorum at pagtalima sa community standards.

Nilinaw naman ng MPD na ipagpapatuloy pa rin nila ang istriktong implementasyon ng iba pang lokal na ordinansa sa lungsod, gaya nang paglabag sa curfew, pag-inom ng alak sa lansa­ngan at iba pa.

Binigyan diin naman ni QCPD Director PBGen. Randy Glenn Silvio na paiigtingin muna nila ang information dessimination upang maiwasan ang gulo at kalituhan sa pagitan ng mga pulis at mga pinaniniwalaang violators.

NCR

TOPLESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with