50% ng government vehicles gawing e-vehicles – Solon
MANILA, Philippines — Sa gitna na rin ng krisis sa langis, pinag-aaralan na ng Legislative Energy Action Development (LEAD) Council ng Kamara na lumipat sa electric vehicle (e-vehicle ) ang kalahati ng mga sasakyan na ginagamit ng mga tanggapan ng gobyerno.
Ito ang inihayag ni Marikina City 2nd District Rep. Miro Quimbo, Chairman ng House Committee on Ways and Means at Presiding Officer sa LEAD Council ng Kamara para tugunan ang krisis sa enerhiya.
Sinabi ni Quimbo na ang nasabing hakbangin ng transisyon sa e-vehicle ay bahagi ng hakbangin para mabawasan ang matinding epekto ng krisis sa langis na naglalayon ding mabawasan ang pagiging independent ng bansa sa produktong petrolyo.
“The measure is among the quickest and most practical steps the government can take to move away from petroleum-based transport, adding that the government itself must lead the transition”, ayon sa solon.
Inihayag ni Quimbo na ang panukala ay lumutang sa kauna-unahang pagdinig ng Multi-Committee Legislative Energy Action Development (LEAD) Council na binuo ng Kamara sa kautusan ni Speaker Faustino “Bojie “ Dy III na nag-preside sa panel noong Miyerkules.
“Pinag-usapan namin nung unang hearing is practically requiring at least half of our government vehicles na baka puwede nang gawing kuryente,” ang sabi pa ni Quimbo.
- Latest


















