^

Metro

Libreng Sakay tigil muna – Isko

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Libreng Sakay tigil muna – Isko
Commuters in Ermita, Manila lined up along Agoncillo Street on April 6, 2026
STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Tigil muna ang Libreng Sakay sa Maynila.

Ito naman ang inanunsyo ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kasunod ng huling araw na pagpapatupad nito kahapon.

Inilunsad ng Manila LGU ang limang araw na Libreng Sakay noong Marso 30, 31, Abril 6, 7, at 8, upang maibsan ang pasanin ng mga commuter at matulungan din ang mga driver at operator sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon kay Domagoso, pag-aaralan muna nila ang epekto ng prog­rama upang maisagawa ang mga susunod na hakbang.

Susuriin din kung mas episyente ang implementasyon nito at upang mas marami pa ang makinabang sa programa.

Sa tala ng Manila LGU hanggang 2:00PM ng Abril 8, 2026 ay umabot na sa 103,953 pasahero ang natulungan ng naturang programa, na nilahukan ng may 1,128 jeep na aktibong bumiyahe upang maghatid ng libreng serbisyo sa mga mamamayan, residente man ng Maynila o hindi.

Tiniyak ng alkalde na patuloy na magsasagawa ng mga hakbang ang pamahalaang lungsod upang maipagpatuloy ang pagtulong sa mga Manileñong apektado ng krisis.

LIBRENG SAKAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with