8 wanted sa carnapping, robbery at illegal drugs, tiklo
MANILA, Philippines — Walong indibiduwal na wanted sa mga kasong carnapping, robbery at illegal drugs ang nasakote ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa implementasyon ng “Warrant Day”.
Batay sa report na tinanggap ni NPD Director PBGen. Christopher dela Cruz, ang walo ay mga tinaguriang wanted person bunsod ng mga kinakaharap na kasong kriminal.
Kabilang ito ang 33-anyos na nadakip ng District Special Operations Unit sa pamamagitan ng isang manhunt operation sa Brgy. San Gabriel, Teresa, Rizal dahil sa kasong carnapping sa Malabon RTC; 37-anyos na naaresto ng Malabon City Police Station sa bisa ng warrant of arrest sa Brgy. Catmon, Malabon City; 38-anyos na pedicab driver mula sa Brgy. Panghulo, Malabon City na hinuli sa bisa ng warrant of arrest; 34-anyos na Most Wanted Person na naaresto sa OPLAN GALUGAD–Caloocan City Wide sa Brgy. 12, Caloocan City at ang 27-anyos na lalaki na dinakma ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section sa Brgy. NBBS Dagat-Dagatan, Navotas City.
Bahagi rin ito ani Dela Cruz ng mahigpit na implementasyon ng F.I.G.H.T. C.R.I.M.E.S. frameworl (Fill In the Gaps, Hit Targets thru Capacity Building,Remove Redundancies, Integrity Maintained, Manage Resources and Efficient Services) sa ilalim ng mga programa ng PNP.
- Latest





















