PUJ subsidy, P4K na - Isko
MANILA, Philippines — Kasabay ng muling pagtataas ng presyo ng gasolina kahapon, itinaas pa ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa P4,000 ang subsidiya para sa mga jeepney driver na kalahok sa programang Libreng Pamasahe ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila.
Sa kanyang live broadcast na “Talk to the People,” inanunsiyo ni Domagoso ang pagkakaloob ng karagdagan pang P500 na ayuda para sa mga tsuper. Mula sa orihinal na P3,000 ay naging P3,500 na ang ayuda para sa mga tsuper noong Marso 31. Kinonsidera ng city government ang P18 itinaas partikular sa presyo ng diesel kahapon, Abril 7.
Bahagi rin ito ng hakbang ng pamahalaang lungsod upang maibsan ang pasaning kinakaharap ng mga tsuper at operator, habang patuloy na nagbibigay ng libreng sakay sa mga commuter sa lungsod.
Ang programang Libreng Pamasahe ng pamahalaang lungsod hanggang ngayong araw na lamang, Abril 8.
“Sa agarang pagkilos, episyenteng paggamit ng resources ng pamahalaan, at partisipasyon ng mamamayan, sa tingin ko, makakaraos tayo sa krisis na ito.” anang alkade.
- Latest

















