^

Metro

Nigerian patay sa pamamaril, 2 sa 4 na suspek arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Nigerian patay sa pamamaril, 2 sa 4 na suspek arestado
This photo shows a picture of a hand in handcuffs.
Pixabay / File

MANILA, Philippines — Patay ang isang Nigerian national nang pagbabarilin ng dalawa sa apat na lalaking suspek sa Taguig City, Biyernes Santos ng hapon.

Ayon sa ulat ng Taguig City Police Station, arestado ang dalawa na sinasabing kasabwat sa pamamaril at pananakit din sa isa pang Nigerian national na nakaligtas.

Pinaghahanap pa ang dalawa sa apat na armado rin ng baril.

Sa imbestigasyon, alas-4:12 ng hapon ng Abril 3, 2026 nang matanggap ng Taguig City Police Sub-station 4 ang insidente ng pamamaril sa DMC Compound, Barangay Sta. Ana, Taguig City.

Agad nagkasa ng dragnet operation sa pamumuno ni Taguig CPS Officer-in-charge, P/Colonel Julius Anonuevo at isinagawa din ang CCTV backtracking at forward tracking, kung saan natukoy ang apat na armadong suspek, na nadakip ang dalawa gabi ng araw na iyon.

Sinabi ni Anonuevo nakita sa CCTV ang komosyon,  ang pamamaril sa  biktima at ang kasama nito ay pinalo ng baril at pinadapa ng mga suspek.

Isa sa dalawang nadakip ay may rekord na nakulong dahil sa iligal na droga habang ang mismong gunman na nakatakas ay may patung-patong na kaso.

Inaalam pa ang motibo sa krimen at kung ano ang background ng dalawang dayuhan.

Umapela din ang Taguig CPS sa publiko na ireport sa kanilang tanggapan anumang impormasyon na makakatulong sa imbestigasyon para madakip ang dalawa pang suspek.

NIGERIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with