^

Metro

Ex-policewoman tinodas sa loob ng bahay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang dating policewoman ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng limang kalalakihan sa loob ng kanyang bahay sa Valenzuela City.

Ayon kay Northen Police District (NPD) District Director PBGen. Christopher Dela Cruz, dalawa sa limang suspek ang agad na naaresto sa isinagawang follow-up operation  na nakilalang sina alyas “JR Tae”, 38, at a “Topak”, 40.

Ayon kay Valenzuela Police Chief, PCol. Joseph Talento, patuloy pang tinutugis ang mga kasamahan ng mga nadakip na si ”Ponjaps” at dalawa pang hindi kilalang kasabwat sa pagpatay sa 38-anyos na policewoman.

Lumabas sa imbestigasyon, alas-12:10 ng Sabado ng madaling araw nang pasukin at pagbabarilin ng dalawang suspek ang biktima sa loob ng kanyang bahay sa Matiyaga St., Sitio Pinalagad, Brgy., Malinta.

Agad bumuo ng Special Investigation Team si Col. Talento sa pangu­nguna ni PMajor Randy Llanderal na nagresulta sa pagkakadakip ng dalawang suspek.

Kakasuhan ng murder ang mga suspek habang karagdagan kasong paglabag sa R.A 9165 at R.A 10591 ang kakaharapin ni ‘Topak’ matapos makumpiskahan ng illegal na droga.

NPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with