Aussie na ninakawan ng P7K: 3 NAIA personnel sibak!

MANILA, Philippines —Tinanggal sa puwesto ang tatlong tauhan ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 matapos isumbong ng isang Australian tourist na ninakawan siya ng P7,000 cash.
Ayon kay Office for Transportation Security (OTS) Administrator Undersecretary Gilbert Cruz, dalawang screener at kanilang supervisor ang inalis sa puwesto sa NAIA Terminal 3 habang iniimbestigahan hinggil sa alegasyon ng dayuhan.
Itinuturo umano ng dayuhang patungo sa Cebu na sa table inspection ay nawala ng pera mula sa kanyang hand carry bag matapos inspeksyunin diumano ng isang lalaki sa final security checkpoint.
Natuklasan ng biktima na wala na ang wallet matapos manggaling sa inspection, at maisipang bumili ng bottled water.
Sa pamamagitan ng CCTV footage na ipinakita ng PNP-Aviation Security Group ay itinuro ng biktima ang mga inakusahan. Gayunman, hindi na isinulong ang paghahain ng kaso upang hindi na maabala sa pag-alis ang dayuhan.
“We do not tolerate such acts within our organization. Any violation of trust or misconduct will be thoroughly investigated, and those found responsible will face appropriate consequences, both criminal and administrative punishments, if warranted,” ani Cruz sa isang pahayag.
Sakaling matukoy na may kinalaman ang mga inaakusahan, sila ay mahaharap sa administrative sanctions, ani Cruz.
- Latest
















