^

Metro

Expressway at highways, titiyaking wala ng obstruksiyon sa Mahal na Araw

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Expressway at highways, titiyaking wala ng obstruksiyon sa Mahal na Araw
Ito’y kasunod na rin nang inaasahang pagbiyahe na ng mga motoristang magsisiuwian sa kani-kanilang lalawigan upang doon gunitain ang banal na okasyon.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Titiyakin ng pamahalaan na wala nang anumang hadlang o sagabal sa mga expressways at highways ngayong Huwebes Santo, Abril 2 at  Biyernes Santo, Abril 3.

Ito’y kasunod na rin nang inaasahang pagbiyahe na ng mga motoristang magsisiuwian sa kani-kanilang lalawigan upang doon gunitain ang banal na okasyon.

Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez, simula ngayong Miyerkules Santo, Abril 1, ay sisimulan na ng Department of Transportation (DOTr) ang pagtatanggal ng mga nakaparadang mga sasakyan sa mga sidewalks sa highways. 

Makakatuwang aniya nila sa naturang aktibidad ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police, Highway Patrol Group (HPG), at maging ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa naturang aktibidad. 

Sa kanyang panig, binigyang-diin naman ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na mahalagang maisagawa ang clearing operations at maisaayos ang mga kalsada, lalo na ngayong mas tumaas pa ang presyo ng mga produktong petrolyo.

EXPRESSWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with