Backlog sa GCTA sa paglaya ng PDLs agad aaksyunan
MANILA, Philippines — Nangako si Justice Secretary Fredderick Vida na aalisin ang mga nakatambak na kaso sa pagsusuri ng mga aplikasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) para sa mga persons deprived of liberty (PDL).
Sinabi ni Vida sa ceremonial release ng person deprived of liberty (PDLs) sa New Bilibid Prison (NBP) Compound sa Muntinlupa, binigyang-diin ni Vida ang pangako ng gobyerno na iproseso ang mga kahilingan para sa GCTA sa lalong madaling panahon.
Ang seremonya ay nagmarka sa pagpapalaya ng 1,239 na PDLs mula Pebrero 14 hanggang Marso 28, 2026.
Pinayuhan din niya sila na tahakin ang buhay nang paisa-isa at sumulong, dahil ang bawat hakbang ay patungo sa isang bagong bukas.
Inihayag ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na ang pinakabagong pagpapalaya ay kumakatawan sa pinakamalaking bilang ng mga PDL na pinalaya sa isang buwan simula nang maupo si Pangulong Marcos.
Kinabibilangan ito, ang 501 na expire na ang maximum sentence, 119 na may acquittal, 28 ang nabigyan ng probation, 134 ang may parole, 58 ang may habeas corpus, 3 iba pa, at 396 ang nag-expired ang sentensya na nasa ilalim ng Department Order No. 652.
Sa mga pinalaya sa ilalim ng Dept. Order 652, ang BuCor director general o awtorisadong kinatawan ang may pag-apruba at ang mga high risk o high profile ay nangangailangan naman ng pag-apruba mula sa Secretary of Justice.
- Latest



















