Lady drug suspect, arestado sa buy-bust

MANILA, Philippines — Natunton sa sementeryo Isang lady drug suspect ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang buy-bust operation sa loob ng sementeryo sa Sta. Cruz, Manila kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang suspek na si alyas “Mina”, 48, miyembro ng Sigue Sigue Sputnik at residente ng Manila North Cemetery sa Sta. Cruz.
Batay sa ulat ng Sta. Cruz Police Station 3 (PS-3) ng Manila Police District (MPD), nabatid na dakong alas-8:35 ng gabi nang madakip ang suspek sa kanyang bahay sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa lugar.
Nabatid na isang tip ang natanggap ng mga awtoridad na agad na bineripika hanggang sa isagawa ang operasyon.
Kaagad na binitbit sa presinto ang suspek matapos na makuhanan ng dalawang heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 14 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng hanggang P95,200, gayundin ang P500 na buy-bust money.
Nakapiit na ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest


















