^

Metro

Nagsarang gasolinahan sa bansa 415 na - PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Nagsarang gasolinahan sa bansa 415 na - PNP
A gas station attendant fills up cars at a station in Paco, Manila on January 12, 2026.
STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Sa gitna nang pagtaas ng presyo ng krudo dulot ng tensyon sa Middle East ay umabot na sa 415 gasolinahan ang nagsara sa buong hanggang nitong Miyerkules ng umaga.

Ito ang ipinahayag ng Philippine National Police (PNP) at ang pinakama­raming nagsarang gasolinahan ay sa Cordillera Administrative Region na may 78, sinundan ng Cagayan Valley na may 50, Central Luzon na may 42, Calabarzon na may 35, at Bicol na may 30.

Ayon sa PNP na may kabuuang 14,269 gasolinahan sa bansa na kanilang binabantayan. Tatlong kaso na rin ang naunang inihain kaugnay ng umano’y overpricing, hoarding, at profiteering ng langis sa ilang gasolinahan sa Nueva Vizcaya, Eastern Samar, at Albay.

Inihayag ng PNP na pinaigting na rin nila ang presensya sa mga fuel station, supply depot, at iba pang kritikal na imprastraktura upang labanan ang mga ilegal na gawain at matiyak ang tuluy-tuloy na akses sa mga pangunahing serbisyo.

GASOLINAHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with