^

Metro

Tambay tiklo sa bitbit na baril

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang 46-anyos  matapos na mahulihan ng baril sa kanyang beywang, sa Pasay City, bago maghating-gabi ng Linggo.

Isasailalim sa inquest proceedings ang suspek na si alyas “Rolando” sa Pasay City Prosecutor’s Office sa reklamong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Sa ulat ng Sub-Station 9 kay Pasay City Police Station chief, Police Colonel Joselito De Sesto, dakong alas-11:40 ng gabi ng Marso 22, 2026 nang maaresto ang suspek sa Newport Boulevard corner Palm Tree Drive, Brgy. 183, Pasay City.

Habang nagsasagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Sub-Station 9 nang may isang concerned citizen ang nagsumbong hinggil sa kahina-hinalang pagtambay ng suspek na may nakabukol sa beywang.

Nang puntahan ang lugar na inginuso, namataan ang suspek at sinabihan na itaas ang damit upang makita ang nakabukol sa beywang, at doon lumantad ang halos kalahati ng baril.

Walang naiprisintang anumang dokumento o permit ang suspek para sa dala niyang isang kalibre .45 pistola kaya agad kinumpiska at inaresto siya.

Isasailalim sa ballistic ang nakumpiskang baril upang matukoy kung nagamit ito sa anumang krimen.

ROLANDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with