^

Metro

UCC may 75 bagong criminologist

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May bagong 75 criminologist ang University of Caloocan City (UCC)  College of Criminology na pumasa sa katatapos na 2026 Criminology Licensure Examination na may 82.42 percent overall passing rate.

Nakamit din ng UCC ang 86.90 porsiyentong rate para sa mga first-time na kumukuha, na mas mataas din sa National Average na 66 porsiyento.

Nagpa-abot naman ng pagbati si Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan sa mga bagong Registered Criminologists at hinikayat silang gamitin ang kanilang kakayahan para sa peace and order ng lungsod.

“Sa ating bagong criminologists, nawa’y makatulong namin kayo sa pamahalaang lungsod sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating lungsod,” pahayag niya.

Tiniyak ni Malapitan na nakasuporta ang city government sa mga estudyante ng UCC upang matupad ang kanilang mga pangarap sa buhay at makatuwang ng pamahalaang lungsod sa mga programa.

“Sa bawat achievement ng mga estud­yante ng UCC, ­dala-dala ninyo ang pangalan ng buong Lungsod ng Caloocan kaya naman ipinagmamalaki namin kayong lahat at tiwala kami na magtatagumpay kayo sa inyong mga napiling la­rangan,” dagdag pa ng alkalde.

UCC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with