^

Metro

Dating kagawad binurdahan ng saksak, tigok

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang dating kagawad ang namatay noon din nang pagsasaksakin sa loob ng isang KTV bar sa Barangay 78 sa Caloocan.

Kinilala ang biktima na si Nestor Nocum Jr, 60-anyos, isang contractor engineer at dating barangay kagawad sa nabanggit na barangay.

Ayon kay Police Lt. Mark Peña, officer-in-charge ng Caloocan Sub Station 3, noong panahong iyon ay nasa loob ng isang KTV Bar si Nocum at kumakanta habang kausap ang isa sa mga waitress sa naturang pasilidad.

Kalaunan ay ­nagpunta sa naturang bar ang ­lalaking suspek na live-in partner ng naturang waitress.

“Bale ang nangyari, noong si suspect ay pumunta sa bar, nakita niya ang kanyang live-in partner, na nagtatrabaho sa bar mismo na pinag-i-inuman ng ating victim at nakita niyang nakisabay kumanta habang nag-iinom yung kanyang live-in partner,” sabi ni Peña.

Sa pahayag ng witness, lumapit ang suspek at sinuntok ang waitress at saka bumunot ng kutsilyo ang suspek at inundayan ng saksak ang dating kagawad, bago nagmadaling ­umalis sa lugar.

Sinasabing hinabol pa ng mga tauhan ng bar ang suspek, pero mabilis itong nakatakas makaraang sumakay ng jeep.

Dinala pa ang biktima sa pagamutan pero na­ideklara na itong dead on arrival.

Nakuha naman sa pinagyarihan ng krimen ang kutsilyo na ginamit ng suspect sa pananaksak.

Ayon sa pulisya, selos ang nakikita nilang motibo ng krimen. Patuloy na manhunt ng pulisya ang naturang suspek.

CALOOCAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with