LRT-2, naglabas ng bagong taripa
MANILA, Philippines — Naglabas na ang Light Rail Transit Authority (LRTA) ng bagong fare matrix para sa ipatutupad na 50% discount sa pasahe sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) simula sa Lunes, Marso 23.
Batay sa updated matrix ng LRT-2, nabatid na ang mga gumagamit ng stored value card ay magbabayad na lamang ng pasahe na mula P6.50 hanggang P16.50, depende sa layo ng kanilang biyahe.
Ang pasahe naman gamit ang single-journey ticket ay mula P8 hanggang P18, na may reduced rates na aplikable sa lahat ng istasyon mula Recto Avenue Station sa Maynila hanggang Antipolo Station sa Rizal.
Anang LRTA, sakop ng discounted fares ang lahat ng istasyon sa LRT-2 line, kabilang na ang Cubao, Katipunan, at Santolan.
Una nang inianunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) na simula sa Lunes ay magpapatupad sila 50% discount sa pasahe sa LRT-2 at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).
- Latest






















