MMDA: Number coding suspendido sa Biyernes, Marso 20

MANILA, Philippines — Suspendido ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme bukas, Marso 20, 2026, isang regular holiday, bilang paggunita sa Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng Ramadan, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sa advisory ng MMDA sa Facebook post, awtomatikong sinususpinde ang number coding tuwing official at special non-working holidays.
Payo pa ng MMDA, planuhing mabuti ang long weekend activities upang maiwasan ang anumang aberya at maging maingat sa pagmamaneho.
Una nang inanunsyo noong Lunes ng Malakanyang na ang Marso 20, 2026 ay isang regular holiday sa bansa bilang pag-obserba sa Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan.
- Latest



















