^

Metro

Yate nasunog sa test run

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Yate nasunog sa test run
Malabon City map.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Isang yate ang nasunog  habang nagsasagawa ng test run ang may-ari nito kasama ang isang prospective buyer sa tabi ng ilog sa Barangay Dampalit, Malabon City nitong Sabado ng umaga.

Sa pahayag ng caretaker na si Denio Yco, sakay siya ng yate kasama ang may-ari na si Agusto Reyes, na siyang nagmamaneho ng barko, at ang prospective buyer nang biglang sumiklab ang apoy malapit sa makina 9:00 ng umaga.

Kasalukuyan nilang minamani ang yate patungo sa isang kalapit na dike bago ito tuluyang natabunan ng makapal na itim na usok.

Nailigtas ang mga sakay ng mga kalapit na bangka na agad tumulong.

Rumesponde rin ang mga bumbero at naapula ang apoy, nguni’t tuluyang nasunog ang yate, at halos walang natira.

Sinabi ng mga awtoridad na kakagawa lang ang yate ng pagkukumpuni at malapit nang ibenta. Walang naiulat na nasugatan sa insidente.

YATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with