^

Metro

Maynila inilabas P1.76 bilyong stimulus package vs global oil shock

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kasabay ng pagtaas ng  presyo ng petrolyo bunsod ng tensiyon sa Middle East, inilabas naman  ng lungsod ng Maynila ang P1.76 bilyong stimulus package  para sa patuloy na pag-usad ng  ekonomiya ng lungsod.

Matapos ang flag raising ceremony,  sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno”  Domagoso, ang pondo ay ipapamahagi bilang tulong pinansyal, allowance, insentibo, educational assistance, at bahagi ng kita ng mga barangay. Tinatayang 330,000 Manileño ang direktang makikinabang sa naturang programa.

Paglalahad ni  Domagoso, P594.76 milyon ang manggagaling sa General Fund habang P1.165 bilyon naman ang mula sa Trust Fund, na bumubuo sa P1,760,163,485.42 na kabuuang pondo.

Nasa P427 milyon naman ang Social Amelioration Program ng lungsod para sa allowance ng 287,095 benepisyaryo mula Enero hanggang Marso 2026.

Kabilang dito ang P310 milyon para sa mga senior citizen, P25 milyon para sa mga solo parent, P75 milyon para sa adult persons with disabilities (PWD), at P16 milyon para sa mga menor-de-edad na PWD.

Maglalaan din ang lungsod ng P51 milyon na tulong pang-edukasyon para sa 17,043 estudyante ng dalawang pampublikong unibersidad ng Maynila, kabilang ang Universidad de Manila at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Bukod dito, P103 milyon ang ilalaan sa Schools Division Office–Manila, Manila Police District, at Bureau of Jail Management and Penology habang P12 milyon sa mga senior high school student sa ilalim ng Schools Division of Manila at Bureau of Fire Protection.

Samantala, P1.09 bil­yon mula sa Trust Fund ang ipapamahagi bilang bahagi ng kita ng mga barangay, kabilang dito ang P25 milyon mula sa koleksyon ng barangay clearance at P1.06 bi­l­yon na bahagi ng Real Property Tax para sa 896 barangay ng lungsod.

Maglalabas din ng P71 milyon na bahagi ng PhilHealth professional fee sharing para sa 6,495 healthcare workers mula sa mga ospital na pinatatakbo ng lungsod at sa Manila Health Department.

DOMAGOSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with